Panitikan ng Pransiya(France)

Panitikan ng Pransiya(France)

Ang Pransiya o Pransya(France) ay isang bansang may malawak na panitikan, hindi lamang sa pananamit kundi pati na din sa mga akdang pampanitikan. Kadalasan ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura. Subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ay ibang-iba at nagkakaiba sa bawat Rehiyon. Ang kultura ng Pransya ay naimpluwensyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, pati na din ang Franks, isang katutubong tribong German. Ang France ay tinawag noon na Rhineland ngunit noong panahon ng Iron Age at Roman era ay napalitan ito at tinawag ang France na Gaul.

Ang pangalang Pransiya o France ay nagmula sa salitang Latin na "Francia", na nangangahulugang "lupain ng mga Prangko". Maraming mga teorya ang nagsasabi sa pinagmulan ng pangalan ng bansa. 

Ang Republika ng Pranses ay isang unitaryong semi-pampanguluhan na Republika na may matibay na tradisyong demokratiko.Noong ika-28 ng Setyembre 1958, ang konstitusyon ng ikalimang Republika ay inaprubahan ng isang reperendum. Ang Pangulo ng Republika ay direktang inihalal ng mga mamamayan para sa limang taong panunungkulan(dating pitong taon).

Habang ang malawak na pagkakaiba at pagkakahiwalay ng lungsod at punong-lungsod, pagkatapos ng 200 taon ng mga digmaan na Digmaang Franco-Prussian, Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng magkaisang lakas.

Ang Pranses (Pranses: français; Ingles: French) ay ang wika na ginagamit na pangunahing wika ng 65.4 milyong katao sa Pransiya. Noong taong 1999 ay ito ang wika na ika-11 na may pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig, ito ay ginagamit ng mahigit-kumulang 77 milyong katao na tinatawag na francophones.

Malaki ang pagpapahalaga ng Pransiya sa kanilang Relihiyon. Tinatayang 80 percent ng tao sa Pransiya ay Katoliko samantalang ang ibang pangunahing Relihiyon naman ay Islam, Protestante at Judaism. Pinapahalagahan ng mga Pranses ang kanilang bansa at kultura, kaya't pag may naririnig silang negatibong komento tungkol sa kanilang bansa sila ay nagagalit. Bagaman ang kababaihan sa France ay may mahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa din ang naniniwala na ang bansang ito ay may male-dominated culture.


Niyayakap ng mga taga-France ang kanilang estilo at sopistikasyon. Ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa pampublikong lugar ay mala-maharlika sila. Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa kalayaan at kapatiran, ang huling dalawang salita sa kanilang motto na "Liberte, Egalite, Fraternite", na nangangahulugang kalayaan, kapatiran at kalayaan.





Comments

Post a Comment